Saturday

to BF or not to BF... is that your final answer?!?

booset.

habang nakaupo ako sa pc at nag checheck ng friendster chenes ko.. ang mudra ko walang inatupag kundi kwentuhan ako ng tungkol sa bunso namin at sa boypren nito. muntik ko nang sabihin ... mommy, care ko?!? carebears. kaso baka batuhin ako ng stapler. sabi ng mommy ko, care daw nya kung muy shonget ang mapipili namin. care daw nya kung poorlita. basta daw mabait, may pinag-aralan, may takot sa Diyos, masipag, matulungin, may pamamalasakit, makapamilya, ... oo. marami pang kasunod. di mo malaman tuloy kung seryoso sha sa sinabi nyang care nya kung sino mapusuan namin.

bakit nag dadrama my mother dear?? kasi, my sister dearest.. bwakanang.. kunyari ganyan kami kasibilisi.. umm civilized.. just introduced to us her boyfriend when she graduated from college last year. at may ilang months na pla sila. kaya mega hurt ang momsie ko. wenk.. hindi po talaga momsie ang tawag ko sa kanya. at ayaw nya ke boylet ni sis. bakit? maraming kadahilanan. kasing haba nung listahan nya na hindi naman talaga rules and guidelines for the future sweetheart honeybunch sugarpie naming mag uutol... sa nanay ko lang yun. at... nakipag break si lalakwe ke bunsoy, ngunit ito'y bumabalik at tinanggap naman ni sister dear. .. at yung ang ikinagagalit... i mean ikinasasama ng loob ni mudra. hindi ko naman tsinismis utol ko noh??! hehe

hemingways... sabi nya... ngayong nakapagtapos na kyo, ayos na sakin na makipag-relasyon kayo. basta ba pupunta dito sa bahay para manligaw. para nakikilala namin. at para ma okray nya sa likod namin pag alis. hindi naman masamang ligawan e. natuturuan naman ang puso... basta pipiliin nyo yung... at this point hindi ko na talaga naiintindihan yung sinasabi nya kasi na gugutom na ako plus inaantok.

tas, napaisip ako. hmm... pano kaya kung nalaman ng ina ko na nagka"BF" ako for about a month? at hindi pa ako grad nun.. last year lang naman e. tsaka... hindi naman kami official. tanong mo sa kanya. pano kung nalaman nya na hindi parin grad yung taong minahal ko? at mejo me height difference kami? *evil smile* at pano kung nalaman nya na sa computer shop nila ako natutulog pag umaalis ako ng bahay esmyuski, kasama pa namin ang ibang tropa sa shop. dun lahat kami natutulog! blee.. pero sana nde nalang noh?? nyahahaha **evil laugh** ... hmm.. eto matindi... pano kung sabihin kong buntis ako tas ala akong kilala nilang BF?!? hindi kaya fertilizer na ako ngayon??? hmmm.. interesting... hihi

pero eto lang masasabi ko... wala talaga tayong magagawa kung mahal nung tao yung isa. hindi natin hawak ang puso nila. kasi, mamatay sila kung hawak natin puso nila. hehe. yan ang kaloob satin ng Diyos na kung tawagin ay FREE WILL. yes. sabi nga sa Bruce Almighty, bigay ng Diyos ang free will kaya pati Siya hindi kayang idikta sa tao na mahalin Siya. malabo? basahin nyo nlang yung quote:

Bruce:How do you make somebody love you without affecting free will?
God: [scoffs] Welcome to my world, son. If you come up with an answer to that one, let me know.

aus dba? hindi ko rin masisi ang utol ko kung tatanggapin niya ulit si boypren matapos nitong makipag break sa kanya at magkaroon ng ibang gerlpren. kasi nga... it's her free will. yun gusto nya e. sabagay... to love truelly, you must forgive and forget. dava?

hmm.. ako kaya... haha. ika nga ng mega friend kong si aaron .. ASA! .. hehe ..

2 comments:

Hannee said...

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!natatawa lang ako..naaliw ako sa post na to..kalimutan mo na kasi yun! ;) tignan mo ko!?(ang magaling!haha)

thejoketh™ said...

ayus to, punta ko sa inyo minsan kunwari nanliligaw ako--> poorlitang girlaloo ~^_^~