Thursday

bahay bahayan

sa friendster blog ko ito originally pinost, sira kasi tong blog ko dito. hehe.. pero yung ang kulit ver1.0 dito ko nilikha... yung ver1.1 e sa bulletin post ata ng friendster. hihi

ang bahay... ver 1.2
ang buhay ...
magulo ...

lalo na pag ang bahay na gusto mong bilhin ...
meron nang may ari ...
hindi ka na pwedeng pumasok at tumira sa loob ...
hindi mo na pwedeng hawakan ang susi ng pinto ...
hanggang labas ka nalang ...
hanggang tingin ka nalang ...
sayang ...
sayang at hindi ako nagawi sa parte na iyon ng
mundo ...
at nakita agad ang bahay na iyon ...
sayang at may nag mamay ari na ng bahay ...
na kinahulugan ng puso mo ...
di bale ...
lakad lakad nalang muna uli ...
baka meron pang iba dyan ...
sanay naman akong walang tirahan eh ...

pero paminsa'y pinapatuloy tyo sa bahay ...
para tumingin, magmasid ...
sumilong panandalian ...
para lang matakam ka lalo ...
at pag naisipan na ng may-ari na tapos na ...
paaalisin ka na ...
kun sabagay, buti binigyan ka na pagkakataon ...
malasap ang pakiramdam ...
na dulot ng isang bahay ...

1 comment:

Hannee said...

shempre hindi talaga bahay ang tinutukoy dito ;) haha

it'll be ok :)