Sunday

ramblings ... 1

yeah! sabado ngayon ... dapat gumagawa ako ng 151 paper ... o di kaya'y ng 181 paper namin ... o kaya ay nag aaral para sa exam sa lunes ... putcha ... happy? valentine's? ... nyaha. bat kasi kelangan mag ka february ... nde ba pde skip nalang yun? hehe...sorry sa mga birthday ay feb. syet. pag dating nanaman ng bahay ... mag gigitara nanaman ... nakakasawa nang mag aral. hindi ba pwede mag gitara nalang at mag sulat habang buhay? ... nde rin. nde nman ako henyo na babayaran para sa mga sinusulat ko...hmm...gawa kaya ako ng "autobiography"? ... kaso hindi naman exciting buhay ko e. kahit ako aantukin sa babasahin ko sa sobrang boring ng buhay ko. ano kaya magawa? ayoko nang mag work sampling ... NAKAKAWALANG GANA! bakit ba kasi konektado ang puso at ang utak. pag tinamad yung isa ... tatamarin na rin yung isa. tapos kung buong katawan ... wala na. hmm ... tama nga siguro yung sabi ng isa kong orgmate ... mas maganda siguro kung manhid nalang. bakit? ba malay. basta. nde ko alam. ayan. nahulog na ang tren.

No comments: